BAD HABITS NA DAPAT IWASAN NG PINOY
(Please SHARE to save a LIFE)
MAY mga kaugalian ang iba nating kababayan na hindi nila alam ay nakasasama na pala sa kanilang kalusugan. Alamin natin ang mga ito:
1. Laging nagpupuyat --- Kailangang mag-ingat ang mga taong kulang sa tulog at laging gumi-gimmick. Ayon sa pagsusuri, ang mga laging puyat at kulang sa tulog ay mas tumataas ang insidente ng sakit sa puso at kanser. Kung ika’y nagtatrabaho bilang night shift, kailangan ay doble ang iyong pag-aalaga sa sarili. Siguraduhing masustansya ang iyong kinakain at sapat ang iyong pahinga.
2. Mahilig mag-yosi at uminom ng alak --- Napakaraming sakit ang puwedeng makuha sa paninigarilyo, tulad ng sakit sa baga, kanser, ubo, hika at wrinkles sa mukha. Ang sobrang alak naman ay nakababawas ng ating talino dahil namamatay ang brain cells. Kung gustong humaba ang buhay, iwasan ang mga bisyo.
3. Konting uminom ng tubig ---Maraming Pinoy ang mahinang uminom ng tubig. Minsan tatlong baso lang sila kung uminom sa isang araw. Kailangan natin ng anim hanggang 10 baso sa isang araw. Matutulu-ngan ng tubig ang mga sakit tulad ng UTI, sakit sa bato, panghihina, constipation at pangungulubot ng balat.
4. Hindi nag-aalmusal --- Alam ba ninyo na halos isa sa bawat tatlong Pilipino ang hindi nag-aalmusal? Sa almusal, kumukuha ng lakas ang ating katawan para magtrabaho, mag-isip at magkaroon ng energy. Ang almusal ang pinakamahalagang pagkain natin sa buong araw. Ang mga batang nag-almusal ay nagiging mas matalino at mas mataas ang grado sa paaralan. Sa mga office workers, mas gaganda rin ang inyong performance sa trabaho.
5. Mahina sa gulay at prutas --- Ang rekomendasyon ko ay kumain ng dalawang tasang gulay at dalawang tasang prutas sa bawat araw. Sa ganitong paraan, makukuha mo ang lahat ng kailangang vitamins at minerals. Sa mga bata at sa mga payat na tao, puwede na ang isa at kalahating tasa ng gulay at prutas bawat araw.
6. Puro taba ang kinakain — Iwasan ang mga matatabang pagkain tulad ng lechon, crispy pata, chicharon, lamanloob, at taba ng baboy at baka. Tingnan ninyo. Kung ang mantika nito ay nagiging sebo kapag nalamigan, gaanoon din ang mangyayari sa taba sa loob ng iyong katawan. Kung ayaw mong atakehin sa puso, bawasan ang pagkain nito.
7. Mahilig sa matatamis na inumin – Oo, siguradong guilty ka diyan. Ang pagkain ng sobrang matatamis ay puwedeng magdulot ng diabetes, katabaan at sakit sa puso rin (ayon sa bagong pagsusuri). Limitahan ang pag-inom ng soft drinks, canned juices at iced tea. Mas piliin ang fresh fruits, green tea at tubig.
8. Sobra sa pag-inom ng kape at energy drinks – Naku, marami akong kilala na limang tasang kape ang naiinom sa bawat araw. Masama po iyan kapag sumobra. Puwede kayo magkaroon ng nerbiyos, palpitation at hindi pagkatulog. May iba naman na umaasa sa energy drinks para labanan ang kanilang pagkapuyat. Mali rin po iyan. Para magkaroon ng energy, kumain nang tama, magpahinga ng sapat at umiwas sa bisyo.
9. Sobra sa dami ng rice – Ayon sa pagsusuri, ang sobrang pagkain ng kaning puti ay puwedeng magdulot ng diabetes at katabaan. Bawasan ang pagkain ng kanin at palitan ito ng gulay at prutas. Mas healthy ang brown rice at wheat bread, kumpara sa kaning puti.
10. Nakakalimutan maghugas ng kamay – Ang paghugas ng kamay ang pinaka-magandang paraan para makaiwas sa sakit. Maraming sakit ang nakukuha sa maruming kamay tulad ng pagtatae, sore eyes, typhoid fever, tuberculosis, pigsa, at iba pa. Maghugas palagi ng kamay.Kung walang tubig at sabon, gumamit ng alcohol.
11. Kulang sa pagsisipilyo – Ang pangkaraniwang Pilipino ay nagsisipilyo lamang ng isa o dalawang beses sa bawat araw. Kulang po ito. Ayon sa pagsusuri, ang bacteria sa ngipin ay nakapagdudulot ng sakit sa puso. Simple lang ang solusyon. Magsipilyo ng tatlong beses sa bawat araw at gumamit din ng dental floss kahit isang beses sa maghapon.
12. Ayaw magpa-check-up – Karamihan ng mga kalalakihan ay takot magpa-check up sa doktor. Kailangan pang pilitin ng mga misis para pumunta sa clinic. Bad habit po iyan. Magpatingin ng maaga para malaman at maagapan ang sakit.
#OrganicWayOfLiving
Uminom ng Buah Merah Mix Juice (Ang recommended dosage ay uminom ng 2-3 bottle caps (takip ng bote) sa umaga, at 2-3 bottle caps naman sa gabi at pasundan ng isang basong tubig.
Makakatulong din ito para makaiwas at maprotektahan tayo sa iba't ibang free radicals that causes chronic or degenerative diseases like Cancer, Myoma, Gall Stone, Kidney Stone Problems, Hypertension/High Blood Pressure, Asthma, Bukol sa kahit saang parte ng katawan, Panginginig ng katawan, Diabetes, High Cholesterol, Prostate Problem, UTI, Stroke, Lupus, Goiter, Tumor, Cyst, and other degenerative diseases.
✔ 2013 Best Brand Awardee (Best Health Herbal Juice Drink)
✔ 10th National Product Quality Excellence Awardee for 2014-2015
✔ "SEAL OF PRODUCT QUALITY" and "SEAL OF QUALITY SERVICE" by Q'Asia (April 2015)
We accept RESELLERS, STOCKISTS AND DEPOT NATIONWIDE! Join our advocacy in alleviating illness into wellness. Let's promote the organic way of living!
For more Health Tips Visit:
https://www.facebook.com/organics.buah.merah/
For Orders and Dealearship, contact:
+63975-997-6786 (SMS)
+63929-641-8298 (Smart)
+63925-877-7463 (viber)